For the POC: Sapphic “stepfatherhood” series

If you’re a queer lesbian feminist and you find yourself partnering with a woman who’s openly out with her sexuality, so open that even her own kids have no problem with same-sex relationships in their household, but integrating gender roles within this set-up happens, what will you do?

I created a series for last March’s Phil. Online Chronicle’s Pinoy LGBT channel to raise a few questions about this new-found “identity” I seem to be adopting/adapting to: sapphic “stepfatherhood” daw teh! Stepfather, because for lack of a better term to make sense of same-sex partnerships, kids still see gender binaries applied to same-gender couples. How do we engender kids who are growing up with such limitations imposed upon by society?

Here are my queries about these topics. Click the titles to read the whole article.

Ang nanay kong tatay raw (part 1 of 4): Introductory adventures into sapphic “stepfatherhood”

Ang unang role: halaw sa pelikulang Ang Tatay Kong Nanay. Ako naman pala ang magiging Nanay Na Tatay Daw. Kaloka. ‘Musta naman ang mok-ap sa ganitong pagtatanghal teh? O siya, bahala na si Batman…at si Sappho.

Isang araw na sinamahan ko ang aking sweetheart sa eskuwelahan ng kanyang panganay, nagulat na lang kaming pareho nang ipinakilala kami ni Panganay sa kanyang mga kaibigan, lalo na sa mga guro. Na ang pagpapakilala sa nanay niya ay nanay niya, siyempre, at saka kilala na naman siya doon dahil matagal na sa eskuwelahang iyon si Panganay. Pero laking tumbling na may flip ang peg ng lola mo nang ako na ang ipakilala niya, dahil ang pagpapakilala niya sa akin sa homeroom teacher niya ay “My Stepfather.”

ANSAVEH?

Ang nanay kong tatay raw (part 2 of 4): ‘Di uso ang kloseta sa pamilya

Noong una, di namin alam kung paano nga ba namin ipapakilala ang sarili namin bilang kami sa mga maliliit na nilalang na ito. Akala namin, kailangan naming gumanap ng roles na pamilyar muna sa mga bagets (i.e. si Mommy at si “friend ni Mommy” na si Tita__), at saka namin ipapakilala ang mga bago naming roles (i.e. si Mommy at ang love niyang si Tita__). Pero sa paglaon,

nagulat kami dahil ang mga bagets na mismo ang bumuwag sa mga roles na una naming hinahanda, dahil handa na naman pala sila sa ganitong mga roles ng buhay.

Minsan, simple lang talaga ang eksena sa mga bata. Basta naipakikita mo nang tama at wasto ang iyong sarili, wala naman din silang dadalhing paghuhusga sa sarili mo. Kaya lang, kahit gaano naman kabukas ang mga bata, kung mananatiling sarado ang isipan ng nakakatanda sa kanila, wala rin namang mangyayari at magaganap sa eksena nila, anuman ang eksena na iyon.

Ang nanay kong tatay raw (part 3 of 4): Gender binary vs. stock knowledge

Kahit sa mga nakatatanda, mahirap talagang ipaintindi kung ano ang tunay na identidad ng isang nilalang. Ako po ay babae at mahal ko ang pagiging babae ko, pero ayoko pong malimitahan ang pananamit ko at hitsura ko sa kung ano lamang ang itinakda ng lipunan na pananamit at hitsura ng babae o lalaki. Plus sa laki ng balakang ko teh, wala kasing komportableng sakto sa size ko sa women’s wear kasi sa department store haller! True story, but I digress.

Kaya pagdating sa pagpapaintindi sa mga bagets na nasaksakan na ng stock knowledge na ito ng gender binaries, paano mo masasabi sa kanila na hindi applicable sa lahat ang mga una nilang natututunan sa buhay? Bilang mas nakatatanda, paano nga ba natin bubuwagin ang isang konseptong kabuwag-buwag na, pero nagsisimula pa lang itong buuin sa isipan at pagkatao ng mga kabataan?

Your guess is as good as mine, teh.

Ang nanay kong tatay raw (part 4 of 4): Gender Roles ‘R’ Us nga ba?

Napaisip tuloy ako: ang gender binary biases ba ay galing mismo sa atin sa LGBTQ community na siya dapat ang unang kumu-kuwestiyon dito? At naipapasa ba natin itong biases na ito sa ibang tao, o niyayakap lang din natin ang biases ng iba at ina-apply sa komunidad natin? Hm, esep-esep teh.

May kanya-kanya tayo ng dahilan kung bakit itinatago natin sa mga mas sikat at kilalang gender roles ang ilang tauhan natin sa buhay. Sa aming pag-iimbestiga dati, nalaman ng sweetheart ko na ang koya bagets palang junakis niya ay protective lang sa kanilang pamilya dahil sa issue ng bullying.

Dahil sa alam niyang kinukutya ang mga kakaiba sa lipunang ito, lalo na ang mga bakla at tomboy, minabuti na ni koya na itago na lang ang tunay na estado ng pamilya nila noon, pati ngayon — na ang kanyang tinaguriang “stepdad” ay isang tomboy pala. Totoong alam sa eskuwelahan nila na single mom ang nanay niya, pero nang makita dati ng mga kaklase na may kasamang butch-bordering-on-transman ang nanay, agad nilang tinanong ang bagets kung tomboy daw ang butch at kung tomboy daw ang mommy niya as a result.

Advertisements

~ by leaflens on April 3, 2015.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: