For the POC: February feelingera series

I love how the Filipino language can take an English word and make it our own, so to speak. Like the word “feeling” which means one has the ability to feel something, right? But if you immerse this in bekinese, or bekimon, or queer lingo (whatever you term it) and pertain to people who feel like they’re the absolute shitz or something, then you get the word “feelingera” or “feelingero” for guys.

For my Philippine Online Chronicles (POC) Pinoy LGBT channel series last February, I thought of making up a couple of articles about different types of feelingeras I know or have encountered in my life. But it was such a surprise to get feedback from my fellow lezzies to write about other types of feelingeras they encountered. At sabi nga ni Madam Celine D, it’s all coming back, coming back to me now…char! That there are indeed many other types of feelingeras out there, more than what I intended to write about hehe.

So here’s the final rundown, with a few excerpts. Click the titles to read the whole articles:

February Feelingera 1: Nakidalamhati ka lang, type na agad?

Feelingera numero uno: ‘Yung brokenhearted siya kaya dinadamayan mo sa dalamhati, pero babaligtarin ka at feeling niya ay type mo siya. Daw. Etchoserang frog!

But lo and behold, hindi pala simpleng pa-inosente ang peg ni Feelingera. Dahil nga feelingera siya, may moments pala na ang mga inosenteng information, chikahan, galaw at pagsasama ay nilalagyan niya ng kulay – para pagselosin ulit ang kanyang ex na Tisay Butchie na parang gusto pa rin niyang mapasakanya kahit na may ka-date na itong iba sa kasalukuyang iyon. At isa sa mga ginamit pala niyang impormasyong pampaselos ay ang isang inosenteng invite ko sa kanya isang beses.

February Feelingera 2: Si pa-victim mode na sablay

Feelingera numero dos: Ang babaeng akala niya ay type siya ng lahat ng babae. No matter what. WHAT!?! Etchosera fatale ka neng!

Mula pa noong nakilala ko itong neneng ito ay tipikal siyang pa-girl na parang smart aleck ang peg pero may dash of innocence and charm. In short, she’s like one of those who stepped out of a page of a teen magazine or something, Miss Cosmo Juniora and whatnot. Marahil ay na-realize niyang sampu sampera nga ang uri niya kaya gumawa siya ng niche para maging angat nang kaunti sa iba. Pero laking gulat na lang naming magkakaibigang biyaning dahil ang peg pala niya para maiba ay ang mai-frame ang sarili bilang crush ng bayan, or at least ng aming maliit na bayan ng mga biyaning. In short, pinagkakalat pala niya sa aming lezzieverse, sa magkakahiwalay na pagkakataon, na ang bawa’t isa sa amin ay may crush sa kanya.

February Feelingera 3: Nadantay lang, type ka na agad?

Feelingera Numero Tres: Ang lesbiyanang nadikit lang ang balat mo sa balat niya, feeling niya type mo na siya. Da Feelz teh, Da Feelz! Puhleeze!

Iba kasi ang tingin nila at ang pagproseso nila ng stimuli sa mundo, kaya kung anu-ano ang nababasa at naiisip at nararamdaman at napupuntahang conclusion sa mga bagay-bagay. Puwedeng ang inosenteng dantay ng kamay sa braso ay bigyan nila ng malisya at iba ang basa dito. Sasabihin nilang naguguwapuhan daw sa kanila ang babae kapag hinahawakan sila sa ganitong paraan. Kahit siguro tapikin mo, basta nadantay lang ang palad mo sa balat nila, iisipin na nilang may iba na itong ibig sabihin – at ang ibig sabihin ay type mo kasi sila, o may tinatago kang pagnanasa sa kanila, o gusto mo sila at nagpaparamdam ka para mag-damoves na siya sa iyo.

February Feelingera 4: Just because I like girls doesn’t mean I like you, gurl!

Feelingera numero cuatro: ‘Yung mga “straight” women na akala nila ay type mo sila dahil sa lesbiyana ka and you like girls. Like automatically. Gurl, we have this thing called taste, ya know. Etchoserang feelingera kah!

Hindi ko talaga mawari hanggang ngayon kung saan nanggagaling ang self-entitlement na ito ng ilang het gurls sa mundo. Meron diyang biglang tititigan ka ng masama kasi nga lesbiyana ka, na tipong lalayo sila bigla sa iyo na para bang hihipuan mo sila. Nakakatawa pero kung babaligtarin natin ang mundo nila, ganun din ba sila? Kapag may lalaking nakakita sa kanila, automatic ba nilang iniisip na hahawakan sila ng boylet para mangtsansing? Automatic ba din nilang iisiping crush sila ng boylet dahil lang sa girlalu sila? Aba, ano’ng akala nila sa ating mga woman-loving-woman at mga het boys, feelingera espesyal? Kaya ayan, silang mga ganitong uri ng gurl ang nababansagang feelingera – kasi akala nila, type sila ng iba, just because.

Have fun! As always, feedback is most welcome so feel free na maki-feeling ditey! 🙂

Advertisements

~ by leaflens on March 16, 2015.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: