The Hours (by Michael Cunningham)

[FROM MY OLD MULTIPLY SITE]

slight sinisipag-sipag ang lola niyo (or nagre-react ako ng sobra sa sobrang haggard ng registration period sa masscom at sa haggardo din sa cal, with matching slight tarayan portion sa library clearance segment ng residency enlistment) kaya eto muna ko’t nagbababad sa art and stuff.

basa basa!

matagal ko nang gustong basahin ang librong ito. mula nang napanood ko ang film version sa int’l women’s filmfest years ago (na di ko malimutan dahil may makulit na kaibigang kris lacaba na sa opening sequence pa lang nung magpapakamatay na si virgina woolf sa river e tinapik ako, at sinabing “yan ang tinatawag na stream-of-consciousness'” kainiz hehe) naintriga na ako nang malaman kong galing siya sa isang libro.

i wanted to see how the print treatment would be, kasi sapok sa akin ang film version. siyempre nominated pa ang lola nicole kidman bilang virginia woolf although parang masyadong brooding naman ang treatment niya (sabagay, ganun din ng konti sa book, pero mas bet ko ang acting ni lola). saka slight relate ako sa lesbian angst ng character ni meryl streep na paara namang di ko masyado nakita sa book. exag a bit.

pina-reserve ko pa ito sa powerbooks dati at nang makuha ko after twelve thousand years, binasa ko agad. kaya lang masyado akong naartehan sa narrative flow ng sentences. dahil ba ito sa bading ang nagsulat? kasi siya rin ang nagsulat ng novel into film na A HOME AT THE END OF THE WORLD. meron siyang flair na parang reminded me of the flair ng mga badinger-z na kaberks ko sa CW circles, yung slight maarteng makakapag-recite ng lines ng tula at opening lines ng favorite books nila ba. so nawalan ako ng gana hanggang sa pinick-up ko muli ang book. guess i was just too lesbianic about it back then.

mas na-appreciate ko na siya now. okay sa akin ang naratibo. yun nga lang, sa film, short-changed yung mrs. brown character ni julian moore. maganda siya sa libro eh, puro internal struggles and such. saka yung girlfriend ng character ni meryl streep. she’s not as careless as portrayed in the film. mas may heart and warmth sa book. pero siyempre kelangang si meryl ang mag-shine so yun na yun. hollywood…

pero maganda nga siya, lalo na yung pag-weave ng tatlong character in the end. gusto ko rin yung angst ek nung gay poet aids friend ni mrs dalloway sa book na slight arte ng treatment ni ed harris (nagpapaka-academy award acting kasi siya e, feeling shortchanged noon sa APOLLO 13 hehehe).  mas may heart lang yung book.

pero the gay guy had heart. what about these lesbian characters? sabagay, okay rin. bihira minsan yung gay authors who can do justice to lesbian characters, mapa-film or literature. this one, well, okay na rin. so keri lang.

naalala ko lang, natawa ako kasi si doris lessing e dinaot-daot itong film kas di niya bet ang virginia portrayal, bilang nagsulat siya ng foreward portion ng bagong libro ni virginia. yes, bago, entitled CARLYLE’S HOUSE na mga creative nonfic exercises niya from a recently unearthed notebook na naitago ng isang freelance typist sa drawer niya na binigay sa kanya ni leonard woolf na asawa ni virginia para i-retype nang mas maayos sa filing pero di na naganap dahil namatay na ang woolfs by then kaya tinago na lang nung typist yung notebook ni virginia. kewl.

but bottomline: i still prefer literature about lesbians written by lesbians din. ewan ko ba, may segmentation akong nararamdaman sa ganun e. mas better for me…oh well.

Advertisements

~ by leaflens on June 5, 2008.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: