LAST ORDER SA PENGUIN [stage play]

unahin ko na lang muna ‘to para ma-promote na rin.

during the last dyke dialogues, some miriam college students announced na ise-stage daw nila ito sa kublai’s under the direction of tuxqs rutaquio. those two things made me want to see this: penguin and tuxqs.

tuxqs is a recent friend but i’ve known his work since our undergrad days as peyups students. mahilig kasi din akong manood ng stage plays noon dito at saka everywhere basta tingin ko e interesting siya. e since sobrang nalalayuan ako sa mga virgin labfests na yan ng mga theater peeps friends, i grabbed this chance kasi katips lang.

saka penguin, as a place, is one of my all-time favorite malate haunts. although i have to admit, mas gusto ko ang penguin of yore kahit sabi ng isa kong writer friend e amoy ipis ang loob hehehe. kasi mas trip ko ang menu noon dahil meron pa nung adobo flakes meal at my all-time favorite lamb chops. wala na kasi ito e. hm.

and the play is also one i want to watch noon pa. nakita ko na nga sa UP Press ang jubilee edition version nito (meaning cheaper book prices at 150 pesos lang, student rate baga). nire-resist kong bumili nito noon pa dahil sa gusto ko siyang ma-experience in its original form, which is a stage play. and there we go na nga kagabi.

during the intermission, natuwa ako sa huntahan namin ni tuxqs. sabi niya “pang-henerasyon natin.” true enough, swak nga sa generation namin ito dahil sa ang mga experiences na isinasadula dito ay mga buhay-buhay of people like us and, i have a feeling, people we know. e to name ba naman the characters so clearly e. like yung lead doon ang name ay ehehehe “tuxqs” tapos yung isa si “harlene” na ang ka-live-in ay si “nicko.” parang kulang na lang e may characters dito named peter, andoy and mon, at kumpleto na ang barkada ng teatro na nakainuman ko noon hehehe. it’s just all too familiar.

pero sa story proper, okay siya. simple lang siya talaga. clear-cut ang characters because you know who they are and what their back stories are, kahit ba kaka-meet lang natin sa kanila sa ilang oras ng pagtatambay nila sa penguin. at ano ang ginagawa nila sa penguin? ano pa, e di kung ano ang ginagawa ng mga katulad kong mga involved sa media, showbiz and arts sa penguin – nagha-hang out para chumika at uminom.

pero ang isa kong question sa plays ay yung pagde-date niya ng sarili niya. like eto nga, dahil henerasyon namin ito, ang mga references niya ay nakakatawa para sa amin. minsan nga, i find na ako lang mag-isa ang tumatawa ng malakas kasi ako lang ang relate!  i mean my god, who would ever remember ali mall’s skate town? i certainly fuckingly do! tapos ang kwento ay set sa panahon ni erap, mga late 1990s-early 2000s before people power2. e yun ang mga panahong we were all pushing 30, and tama, ang concern ay kung ano na ang gagawin sa buhay at that time. the story of our own youth.

pero parang naging alien din sa akin ang concern ng 30 marker. or maybe it’s just me. kasi these group of friends — mostly hets, one gay and one bisexual girl — sobrang concerned sila sa pag-age. but i remember hindi naman ganon ka-dilemma driven ang aging sa amin e. or maybe it’s just a lesbian thing. i’m just not so sure.

well, technical glitches aside, i liked the ensemble here. most are past students pala ni tuxqs sa miriam (where he teaches now). this boy named something manalo, yung si joey sands sa dogeaters, is here. okay siya. he’s one dude to watch out for sa theater. magaling na bata. graduate ng benilde. mahusay sobra.

isa pa ding beef lang. di ako sure sa gustong sabihin ng playwright (chris martinez) sa play. ang last scene niya, sumusuka yung gay guy and that’s it. slightly ambiguous siya, at ayoko siyang i-overread. hm… oh well. basta ako enjoy ako. try niyong i-catch.

———

pr nila:

Inihahandog ng Theme Park Inc. ang
“LAST ORDER SA PENGUIN”
ni Chris Martinez.
Sa direksyon ni Tuxqs Rutaquio.

7pm shows on January 31, February 1, 7, 15 and 16;
with a 3pm show on the 16th!
Kublai’s bar, Katipunan (second floor ng Mercury Drug).

Tickets at 200Php! (Student tickets at 150Php, bring school ID)
Limited seats only!

For bookings please contact MonMon at
09154431109/09228789015 or Krissy at 09166496728.

Advertisements

~ by leaflens on February 1, 2008.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: